• KUYA: maligayang pagdating sa aking bahay!
  • ME: Ano kuya, ano password ng wifi?
  • KUYA: Walang wifi.
  • ME: KUYA, VOLUNTARY EXIT NA PO AKO. AYOKO NA!

"Haloo tumblr. It has been a while… :)"

Hello my friend, we meet again.

Yeah. We meet again. :)

After 2 months, ngayon nalang ulit nakapagtumblr. Hindi naman sa tinatamad or ano, medyo busy din kasi, tsaka sobrang daming pangyayari sa buhay ko na masyado ko yun nilasap at kinalimutan na ang pagkukwento.

  • Mga ilang week after magstart yung klase, nadislocate yung tuhod ko. Alam mo yung buto na nakausli sa tuhod? Napunta yun sa gilid. Masakit. Wag mo na itry. 

image

Nilagyan ako ng fiber cast. Mabigat at makating cast. Mula kalahati ng hita hanggang sa dulo ng binti. Gumamit ako ng saklay. Ganyan ako for at least 1 month. Nagelevator ako ng 1 month. Nagtaxi din ako papasok at papauwi for 1 month.

Isang buwan akong VIP, pero isang buwan din ang pagdurusa dahil sa isang maling galaw, isang malas na segundo.

Araw yun ng Linggo, June 12, hindi ako sumama kanila mama magsimba. Mas pinili kong mamalagi sa bahay, magpahinga, at manuod ng Evil Dead. Maganda yung movie, creepy. Tapos nagpunta ako sa kubeta. Pagkatapos ko gawin ang dapat kong gawin, tumayo ako. And in that split second, comes the greatest injury on my body and the greatest epiphany on my life. Wow, epiphany, BIG WORD! Dinala ako sa ospital. First time ko maabulansya, mabilis pala yun, pwede nang pang Fast and Furious.

Nagpapagaling ako habang nagaaral. Medyo mahirap makahabol dahil umabsent ako ng halos isang linggo.

Yan na siguro ang pinakainteresting na nangyari sa buhay ko ngayon, dahil sa dami ng tao na nagtatanong kung anong nangyari dyan. Sobrang natutuwa ako kasi madami pala talagang taong concerned sa akin, yung mga nagtatanong at mga tumutulong. SALAMAT SA INYO! :”> <3

 

  • Sa ngayon, magaling na ako. Kaya ko na maglakad ng maayos. Wala nang saklay o kahit ano pang pangsuporta. Ang problema nalang e nahihirapan pa akong maghagdan. Siguro napag-aaralan naman yun. :)
  • Maliban sa pilay na yan, wala naman akong masyadong maikukwento. Hindi ko naman siguro dapat nang ipaalam pa na nakaOBE na ngayon ang Engineering sa UST at halos lahat ng score ko, kung hindi bagsak e sabit. Nakakalungkot lang na parang mababa halos lahat. Pero babawi ako! KAYA KO TO!! =)))

TARA ARAL TAYO MABUTI!  =)